Biyernes, Pebrero 18, 2011

        Ang Aking Talambuhay 
                                                       by : Aira A. Polinag

          Sa buhay ng tao , maraming mga taong makakasalamuha na kaylangang pakisamahan , pagsubok na kaylangang lagpasan ng may ngiti sa labi at patuloy na pananalig sa Diyos upang patuloy ka niyang gabayan.
          Sa simula ng aking buhay ay noong magmahalan ang aking inang pinakamamahal na si Vivian Acala Polinag at ang aking ama na si Ramon Ereno Pulinag. Ang pagmamahalang iyon ang naging bunga upang ako at ang aking kapatid ay maipanganak. Ang aking kapatid ay nagngangalang Maileen Acala Pulinag. Makulit , iresponsable , madaldal , kaya madalas di ko kasundo pero mahal na mahal ko .
Ako at ang kapatid kong si Maileen

          Agosto 20, 1995. Linggo. Mula sa pagle-labor ng 12:00-2:00 ng hapon. Sa bahay namin sa Dulong Bayan San Pablo City. Bandang alas-3:00 ng hapon , ipinanganak ako at pinangalanang Aira Acala Polinag. Laking tuwa ng aking mga magulang ng ako ay ipanganak. Na mas lalong sumaya ng ako ay maging isang ganap na Kristiyano at mag-isang taong gulang. Isang simpleng handaan na may ninong at ninang na mga kabarkada ng mama at papa ko.
          Lumipas ang mga taon hanggang sa ako'y mag-limang taong gulang at napagpasyahan ng aking mga magulang na ako ay ipasok sa Day Care Center bilang "saling-pusa". Ngunit laking bigla ng aking mga magulang ng ako ay tumanggap ng mataas na parangal bilang First Honorable Mention. Kung kaya't sa aking edad na anim ay nakapasok ako sa Unang Baitang sa paaralan ng Fule Almeda Elementary School. Kahit di nakaririwasa sa buhay dahil sa pabrika lamang nagta-trabaho ang mama ko at papa ko ay nabigyan pa rin ako ng selebrasyon sa pagdating ng aking ika-pitong kaarawan. Pagdating ng Ikatlong Baitang , ako ay lumipat sa paaralang iyon ay di sinasadyang ako ay maligaw , mabuti na lamang at may isang Clarisse na tumulong sa akin. Siya ang naging bestfriend ko nung ako'y elementarya , hanggang sa makapag-tapos kami.
           Sa pagpasok ko ng hayskul , hindi naging madali para sa akin ang lahat. Simula na sa pag-gising ko ng maaga at sa pag-uwi ng halos hapon na. Bago lahat , sa mga gamit sa eskwelahan , uniporme pati na rin ang mga guro , kaklase at mga kaibigan. Inaasahan ko na rin  na kaylangang mag-seryoso dahil lubhang mas mahirap ang asignatura sa hayskul kumpara sa elementarya.
Kuha noong ako ay magtapos ng kindergarten
           Mas pinili ng mga magulang ko na pag-aralin ako sa CLDDMNHS , dahil na rin sa murang bayarin sa paaralang ito. Agad akong natanggap at napunta sa seksyong B noong First Year , masaya dahil bago ang mga kaklase at may mga aktibidades na labanan ng buong seksyon.
          Sa pagdating ng Second Year , sa seksyong B pa rin. May masaya pa rin dahil makakasama nila ang mga kaibigan ngunit marami ring nalungkot dahil may ilang mapapahiwalay. Sa pagdating ng mga bagong kamag-aral mula sa iba't-ibang seksyon at eskwelahan , hindi pa rin iyon naging hadlang upang maging magkaibigan kami. Na mas lalong tumatag ng kami ay lumaban ng Florante at Laura - na likha ni Francisco Baltazar. Dito nasukat ang aming mga talento hindi lamang sa pagbigkas at pagkanta kundi pati na rin sa pag-arte.
          Masaya na sana ang lahat ng may napakalaking problema ang dumating sa aking pamilya. Marso 2009 , napansin ko na hindi niya pinapansin ang papa ko. Bibihira na rin siyang lumabas ng bahay at kung di pa pipilitin ay hindi siya kakain. Laging mainit ang ulo at lagi kaming binubulayawang mag-kapatid. Ngunit dahil minsan ay di ko pa nakitang mag-away ang aking mga magulang , hindi ko ito masyadong inisip dahil baka nagkaka-tampuhan lamang silang dalawa. Ngunit mali pala ako. Sa di sinasadyang pagkakataon , napadaan ako sa kwarto ng  biglang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
          Ang papa ko , may ibang kinakasama , dahil mas malapit ako sa papa ko , para sa akin ay di ko matanggap , sobrang sakit ng ginawa niya. Dinagdagan niya pa ang sakit nang oras na pinapili na siya ng mama ko between samin at dun sa babae niya , mas pinili pa niya ang babae niya.
          June 2009 , lumipat kami ng tirahan at pinilit mamuhay nang wala ang haligi ng aming tahanan. Ngunit dahil mahirap para sa isang ina na itaguyod ang mga anak na nag-iisa at pawang mga nag-aaral pa. Kaya kahit mahirap at masakit ang kalooban ng mama ko ay minabuti niyang pumunta sa ibang bansa at doon nakipagsapalaran.
         Salamat sa mga kaibigan ko na siyang nagpapasaya sakin araw-araw. Sina Lucky , Angge , Claire na siyang mga naging kaibigan ko nung ako ay 3rd Year. Lagi ko na ring nasa isip na malapit na akong magtapos ng pag-aaral.
Claire , ako , Angge at Lucky
Si Sarrah , Claire , Lucky , ako at Mhary ..
         Matapos ang lahat ng ito , 4th year na ako. Isang taon na lang at makakapag-tapos na ako. May mga naging bago akong kabarkada , sina Mhary , Sarrah at Bernardo ngunit nakahiwalay naman si Angge. Ayos lang naman dahil masaya pa rin ako. Andyan dina ng paborito kong tiyuhin na si Tito Agiw na kenkoy sa bahay. at ang paborito kong pinsan na si Ivan na siyang pag-uwi ko sa bahay ay magbibihis lang ako at diretso na sa tabi niya upang maglaro sa computer. Sya din ang gumawa sakin ng account ko sa iDATE - ang pinagkaka-abalahan ko sa ngayon. Dito sa larong ito ko lang nakaka-sundo ang aking kapatid.
Character ko tsaka ng kapatid ko ..

Si Ivan at ako ..
Tito Agiw , ako at si Dave
        Ngayong hayskul naransan ko ang fieldtrip na di ko maransan noong ako ay elementarya. Marami akong napuntahang lugar. Narito ang ilang lugar na napuntahan ko: sa GSIS , kung san makikita ang mga obra maestra ng ating pinagmamalaking pintor. Sa Ocean Park , dito makikita ang iba't-ibang uri ng mga hayop na naninirahan sa dagat. Simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Sa Star City , naroon ang iba't-ibang uri ng sasakyan na ginawa upang magpasaya ng mga tao lalo na sa mga bata. Sa Lights and Sounds Museum , dito pinapakita ang kasaysayan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na pawang mga patungkol sa mga katiwaliang ginagawa ng mga Kastila. Sa Port Santiago , kung san pinapa-alala ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa Mall of Asia , ang pinakamalaking mall sa Pilipinas na madalas pasyalan ng mga tao.
Fieldtrip sa Port Santiago ..
        Dito ko rin natanto ang mga di ko akalaing kaya kong gawin. Nung kami ay naglalabanan ng pagsulat ng tula. Ako ay pangatlo sa nagtamo ng parangal at nung sa cosmetics , nagpasiklaban ng galing sa pag-iisip kung anong dekorasyon ang maganda at patok na mailalagay sa kuko ng iyong kapareha. Pang-lima ako sa mga nanalo.
         Isa pa ay ang Mini Olympics kung san mga 4th year lang ang mga kalahok. Lahat ng seksyon ay kaylangang maghanda sa pagsayaw ng cheerdance. Nanaig sa aming seksyon ang kagustuhang manalo kng kaya't tulong-tulong kaming lahat na nagbuo ng sayaw at masayang nag-ensayo. At sa wakas , dumating na ang araw g labanan na dahil maraming mga kalaban na mas magaling samin , di namin akalaing kami ang magka-kampyon. Nagtagisan din ang lahat sa sports sa larangan ng volleyball , basketball , football , swimming at modified basketball.
4-Blazers ~!
         Sa aking talambuhay , nakikita kong masaya at malungkot na nangyari sa akin. Babaunin ko ang mga masasayang ala-ala at gagawin kong inspirasyon sa pang-araw-araw kong buhay. At gagamitin ko namang halimbawa ang mga malulungkot na ala-ala upang patuloy na maging matatag at patuloy na makipagsapalaran upang mapag-tagumpayan ko ang aking mga pangarap sa buhay.




       Salamat sa 4-B .. ^^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento