Sabado, Pebrero 19, 2011


AKO
(Ang Talambuhay Ko)

by: Ma. Wendy Ivy Arguelles Calabon
Ako:)
   

  Madami ang hindi nakakakilala sa akin at madami ang hindi nakakaalam ng aking pinanggalinag, kaya ngayon ilalahad ko sa inyo ang aking kwento. Kwento kung saan makikilala ninyo ako at ang aking buong pagkatao.

     Ako ay mula sa simpleng pamilya na nakatira sa Villa Antonio Ph.II San Pablo City. Ipananganak noong ika-19 ng Abril taong 1995 sa City Hospital ng San Pablo. Ang mga mapagmahal kong mga magulang at ang mga taong pinagkakautangan ko ng aking buhay ay sina Wilson C. Calabon at Ma. Linda A. Calabon. Sila ang nagpalaki sa akin at  sila din ang naghubog ng aking pagkatao kaya ako ngayon ay isang responsable at mabuting anak sa kanila. Ako ay may kapatid, siya ay si Eugene Willy A. Calabon, labing-tatlong taong gulang at ngayon ay nag-aaral sa paaralang aking pinapasukan bilang isang freshmen section E.
Ako at ang kapatid ko.
 Nakagisnan namin ang pamilyang masaya at magkakasama. Noong ako ay apat na taong gulang pa lamang ang aking lolo ay namatay dahil sa liver cancer at kasabay ng kanyang pagkamatay, ako naman ay nagkasakit sa baga na tinatawag na Primary Complex. Takot na takot ako noon at sinisisi ko ang sarili ko na dahilan kung bakit hindi nakasama ang mommy ko sa libing ng kanyang pinakamamahal na ama. Halos isang buwan akong nasa ospital. Doon gabi-gabi nila akong nilalagyan ng oxygen at madami din ang mga gamot na pinapainom sa akin. Nang makalabas na ako ng ospital akala ko ay hindi na ako tatanggapin sa paaralang aking pinapasukan, pero maswerte ako at tinanggap parin nila ako kahit sobrang tagal ko nang hindi pumapasok. Kahit nakalabas na ako sa ospital ay patuloy parin ako sa pag-inom ng mga gamot ko. Hindi pa ako ganung kagaling ay may nangyari na naman sa akin. Nagka-allergy ako sa gabok at laging dumudugo ang aking ilong. Sabi ng doktor dahil daw yun sa sobrang init ng panahon kaya madalas nasa loob lang ako ng aming bahay. Hindi ako gaya ng ibang kabataan na pwedeng maglaro gaya ng habulan dahil hindi ako pwedeng mapagod. Lahat ng gusto ko ay binibigay sa akin pero pag alam ko na hindi nila ako kayang bilhan ng mga bagay na mamahalin  hindi ko nalang sinasabi sa kanila dahil ayoko din namang makita sila na nahihirapan ng dahil sa akin. Ang lahat ng gusto ko at mga bagay na makapagpapasaya sa akin ay binibigay nila. Mahal na mhal ko sila dahil sila ang mga taong alam kong tunay na nagmamahal sa akin.


bakasyon sa Nueva Ecija

     Sa aking elementaryapinag-aral nila ako sa isang pribadong paaralan, sa San Pablo Colleges. Dito nagkaroon ako ng mga kaibigan. Dito ko din nalaman na may talento din pala akong pwede kong ipagmalaki. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang sa aking pinamalas na sipag at tiyaga sa pag-aaral. Masaya ako kapag kasama ko ang nga kaibigan ko. Si Michelle, siya ang pinaka matalik kong kaibigan. Siya ay kamagaral ko simula sa unang baytang hanggang sa ika-anim na baytang ng elementarya. Naging bahagi kami ng dance club at nag-aral din kmi ng ballet noong nasa ika-dalawang baytang pa lamang kami. Grade 3 nang kami ay mag first communion. Noong ako ay nasa ika-limang baytang na ng elementarya, ako ay napalipat ng section. Kahit ganon ang nangyari napabilang parin ako sa choir ng aming paaralan. Madami akong naging bagong kaibigan doon. Dito may nakilala akong isang lalaki na hinangaan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari pero pati siya nagsabi din ng nararamdaman niya sa akin. Hindi ko ito siniryoso dahil alam ko bata pa ako. Nang maging grade 6 ako bumalik ako sa section ko dati. Nawala na ung lalaking iyon at nagpunta na siya sa ibang bansa. Namatay ang kaisa-isa kong pinsang kuya sa side ng mommy ko. Gusto ko sanang isipin na sana panaginip nalang lahat na ito, pero hindi, ito ang totoo at talagang hindi maiiwasang mangyari at lahat tayo ay dadating sa ganung sitwasyon. May isa pang pangyayari ang naganap bago ako grumaduate. Ito ay ang paghihiwalay ng aking mga magulang. Malungkot man isipin pero kailangan tanggapin dahil ako mismo mas gusto ko na magkahiwalay na sila dahil ayokong makita na nagkakasakitan ang dalawang taong mahalaga sa akin.
1st yr. ako sa S.P.C

     Nang ako ay maging highschool na, sa S.P.C. parin ako nag-aral. Dahil sa paghihiwalay ng mga magulang ko, umalis si mommy at nagtrabaho siya sa Manila para maitaguyod kaming dalawa ng kapatid ko. Kahit may suporta galing sa daddy ko, hindi parin yon sapat para mapagpatuloy ko pag-aaral ko ng second year sa S.P.C. kaya napagdisisyonan ng mommy na pag-aralin ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.
2nd yr ako s CLDDMNHS
 Dito ako nagsimila muli. Sa simula takot na takot ako pumasok dito dahil wala akong kakilala doon. Pagpasok ko agad ng room kabado na agad ako. Nanibago ako dahil sa pasilidad ng paaralang ito. Bukod pa dito wala din ditong security. Pinagkakasya din ang anim napung estudyante sa isang maliit na silid aralan. Pero kahit ganon ayus lang. Dahil transfer lang ako may nagalit agad sakin dahil akala nila maarte ako, syempre nga naman hindi pa nila ako kilala kaya hindi ko sila masisisi na ganon ang maging tingin nila sa akin. May naging kaibigan din naman agad ako, si Anabel, transfer lang din siya tulad ko. Siya ang lagi kong kasama. Ang intensyon ko lang naman talaga ay mag-aral kaya ako pumasok dito pero hindi ko alam kung bakit pero may nakilala akong isang lalaki. Naging kami ng isang taon at sampung buwan. Simula second year hanggang third year mgkaklase kami. Napalipat ako ng section nang kami ay maging forth year. Sa 4B o mas kilala sa tawag na 4Blazers ako napalipat.
ako at mga 4-blazers:)
cheer dance competition
CHAMPION!!!
 Dahil dito lalo siyang naging mahigpit at dahil sa kahigpitang iyon nagkahiwalay kami. May kaklase ako na naging ka close ko, si XYREX AMORIN PADERES, akala ko nung una siya ay ka sis namin at dahil sa akala kong iyon hindi ko namalayan na nahuhulog na pla siya sa akin. Siya ang unang nakaintindi ng dahilan ng hiwalayan namin pero dahil sa pagiging close namin  siya din ang sinisisi nilang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Madaming masasakit sa salita ang binato sa akin pero nandiyan parin sya inaalalayan ako. Minsan naisip ko, ano d mali kong ginawa, ang gusto ko lng naman ay maging malaya. Dahil sa pinakita niyang kabaitan at maunawain nahulog ang loob ko sa kanya. Sa section na ito din ako nagkaroon ng mga magagandang alaala. Lahat naman sila ay aking naging kaibigan pero ang pinaka naka close ko ay sina Ann Tricia Sumague, Charmaine Genil, Katrina Briones at Kimberly Ramos. Ngayon lalo kong pinagbubutihan ang aking pag-aaral para matulungan ang aking mommy. Ayokong madisappoint siya sa akin, gusto kong maging proud siya na ako ang naging anak niya.

tricia,chame.kat.tita shy at ako
tropa:)
representative ni kim c tita shy:)

:)
ako @ si xy
<3
    Ako si Ma. Wendy Ivy Arguelles Calabon at ito ang aking talambuhay.
3p lng :p

MA. WENDY IVY ARGUELLES CALABON:)

1 komento: