Linggo, Pebrero 20, 2011

ANG MUNTING TALAMBUHAY NI ANN TRICIA SUMAGUE

              Bawat isa sa atin ay may kanya- kwento o istorya ng buhay kung saan tayong lahat ay may pagkakaiba. May mahirap,mayaman o kaya tama lang sa kanilang buhay. Hindi sa lahat ng oras ay nasa magandang katayuan ka, meron dyang ibang mahihirap na nagsusumikap sa kanilang buhay para lang makaahon sa buhay. Mayroon din na pinagpala ng diyos na nasa mabuti at maayos na kalagayan. Lahat ng tao ay inaasam asam ito para makamit ang kani-kanilang pangarap.

Christmas Day ko

             Ipinanganak sa San Pablo City noong  Setyembre labing apat sa taong 1994, Ako si Ann Tricia Nuque Sumague na kung saan ay nasa labing anim na taong gulang na sa ngayon. Fourth Year High School na sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ako po ay taga Guadalupe II-A,San Pablo City. Ang mga magulang ko ay sina Celia at Ricson Sumague,mga kapatid na nag ngangalang Rexcel at Ian Clark. Ang tatay ko ay isang welder at ang nanay ko ay munting may sari-sari store sa aming bahay. Sila ay may mga mararangal na trabaho na aking maipapagmalaki sa iba. Ang 2 kong kapatid naman ay parehas na nag-aaral. Sila ay nakakasundo ko kung minsan at madalas ay hindi rin nung mga bata pa lamang kami. Dahil may mga bagay din kaming di mapagkasunduan sa madaming bagay at dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan ng ayos.

Picture namin ng family ko sa lucban,quezon
  Ang tatay ko ay sobrang masipag at matiyaga para sa aming pamilya. Siya ang naghahanapbuhay para lang may makain sa pang araw-araw at mapag-aral kaming mga magkakapatid. Hangang hanga ako sa katatagang ipinapakita niya para sa amin kahit na iba ang pinapakitang ugali naming magkakapatid. Pero sa ugali kong pasaway ay pinahahalagahan ko naman ang mga binibigay at sinasabi niya sa akin. Pinapangaralan niya din kami upang kami ay  matuto at hindi para lalo lang mapahamak. Nadarama ko ang bawat paghihirap niya para lang mabigay  at matustusan ang mga pangangailangan namin. Kung kaya siya ang amang di mapapantayan ng iba sa pagprotekta sa aming pamilya. Ang nanay ko naman ay maalagain,mabait,maalalahanin at kahit na napakataray sa amin ay naiintindihan ko kung bakit siya ganun sa amin. Dahil na rin sa kakulitan naming magkakapatid bakit ganun siya kataray at kahigpit sa amin.Noong maliliit pa lamang kami ay siya na ang nag-aalaga sa aming magkakapatid. Kung kaya ni minsan di napalayo ang loob namin aming mahal na nanay.  Siya ang pinagmamalaki kong ina dahil sa kabutihan at pagmamahal sa pamilyang mayroon kami ngayon. Siya ang uliran at mapag-arugang ina na mayroon ang aming pamilya na aming pinapahalagahan ng lahat. Hindi ko pinagsisihan na naging ama at ina ko ang gaya nila. Sila ang dahilan kung bakit ako nabuhay at nabubuhay pa din hanggang sa ngayon. Nagpapasalamat ako ng marami sa kanila sa pag-aalaga,pag-iintindi at patuloy na pagsuporta sa aming lahat. Alam ko sa sarili ko na naging pabigat ako sa kanila pero sa kabila non ay babawi ako sa mga kasalanan at sakit ng ulo na nabibigay ko sa kanila sa pang araw-araw na ginagawa ng diyos. Kailangang gantihan ko naman sila ng tama at kabutihan  para sa mga sakripisyo nila sa amin para lang mapakain at mapag-aral nila kami. Marahil madaming nakaka impluwensiya sa akin na gumawa ako ng mali o ng kasamaan  dahil sa ibang nakapaligid sa akin. Pero ito ay iniiwasan ko nadahil sa mga payo,pangaral nila sa akin at higit sa lahat para na din sa ikabubuti ko.
Ang bunso kong kapatid na mas kasundo ko na ngayon ay nasa Third year high School sa labing apat na taong gulang. Parehas kami ng school na pinag-aaralan sa ngayon at dun din nakapag tapos si kuya.Siya ang nakakampihan ko sa lahat ng bagay pati na rin sa mga kalokohan. Si kuya naman ay nasa college na ngayon sa school ng DLSP sa kursong information Technology. Two years lang ang kukunin niya sa ngayon sa madaming kadahilanan. Kung kaya parehas kaming magtatapos sa pag-aaral ngayong taon na ito.kinailangan na niyang makatapos at makahanap na ng trabaho sa ngayon dahil siya ay nagkaanak na ng lalaki sa taong labing pito gulang pa lamang.Hindi pa sila kinakasal ng kanyang girlfriend sa ngayon dahil wala pa silang naiipon. Kailangan muna nilang paglaan ng gastusin ang kanilang anak.Kung kaya mas higit lalong kailangan niyang makahanap o makakuha na ng maganda at maayos na trabao para sa kinabukasan ng pamilya sa ngayon. Mahalaga para sa akin ang mga kapatid ko at mahal ko sila kahit ano pa man ang mga pinag-aawayan naming kung minsan dahil bahagi sila ng buhay ko. 
           Ako? Yung taong  Mabait,magalang,mapagkumbaba,mapagmahal, pasaway,maarte,makulit,puro kalokohan. Sa aking kabataan, ginabayan na ko nila nanay at tatay hanggang  sa aking paglaki. At ito ay dahilan na napalaki ako ng mga magulang ko sa tamang pamamaraan at hindi sa kasamaan.noong elementary pa lang ako ay napaka sipag ko sa pag-aaral. Wala akong inaatupag kundi ang aking pag-aaral.May mga kaibigan akong tumutulong o dumadamay kapag ako ay may problema.




Mga Real Friends ko!!
Kasama ko ang Bestfriend ko, si Loren Gilua

Nag champion kami sa Cheerdance (Nov.11,2011)

  At nang pagdating ko sa high school ay unti unting nawala iyon. Kung anu-ano na ang kalokohan ko ang nagagawa ko at puro pasaway na sa mga magulang ko kung kaya mas madalas na kong mapagalitan  kaysa dati.Pero hindi ako nasagot kapag pinpagalitan na ko. Dahil aminado naman ako na ako ang may kasalanan nun. Hindi naman natin maiiwasan na gumawa  ng ikagagalit ng mga magulang. It’s Part of being teenage girl. Mayroon akong maraming mga naging kaibigan.Nung first year ako,madami kaming barkadahan. Ngunit pagdating ng sumunod na taon ay dina kami masyadong nagkakasama. At nang mag Third year na ko,may dalawang mahalagang kaibigan ang napalapit sa akin. Sila ay sina Nicole at Loren.nguit ngayong Fouth year ako ay di ko na siya naging kaklase. Pero di naging hadlang yun, patuloy pa din ang aming friendship.At madami na kaming magkakaibigan ngayon.Sila Jenny,Chame,khim,Lhayrin,Wendy,kat,at madami pang iba.Sila ang nakakasama ko sa madaming oras.Sana manatili kaming buo at Masaya sadarating na mga araw. Dti naranasan ko ng maging Bad Influence sa iba at ito ay ayoko ng mangyari. Ngayong taon na ito ay gagraduate na ko sa high school. Sana maging maayos at mabuti ang pag-aaral ko sa pagpasok ko ng college ko. At sana nandyan pa rin ang nga nagmamahal at nagbibigay ng lakas ng loob sa akin sa lahat ng bagay.Sila ang pamilya ,kaibigan,ang mahal ko(RENZ JOSEPH B. SANDOVAL),at higit sa lahat si God.
            Marami pang magdadaan sa buhay natin at sa akin. Kung kaya dapat lahat tayo ay handa sa mga ito.Marami mang mawawala sa aking buhay ngunit gindi ito dahilan para sumuko. Ito’y para lumaban sa buhay para sa maga darati pang mahalagang bagay at tao sa mundo natin.

Ang mga Pangyayari sa Aking Buhay by:Sarrah Joyce Briguela

 
MY MOTHER AND FATHER!
   

AQOHH
      
            Nasilayan ko ang mundo ng isilang ako ng mabait,mapagalaga, at mapagmahal kong ina na si Mrs.Jocelyn Pedrigal Briguela sa Brgy.Bagupaye Mulanay Quezon, sa ika labinlimang araw ng Pebrero taong isang libo't siyamnaraan siyam napu'tlima sa ganap na alas diyes ng gabi.Habang ako a isinisilang ay naroon ang masipag at matulungin kong ama na si Mr.Elmer Hernandez Briguela ,kasama ang panganay kong kapatid na si Jomer Pedrigal Briguela.Matapos akong maisilang ay bumalik na kami sa San Pablo City at nanirahan sa Brgy.San Joaquin.Dito na ako nagkaisip,nagkaroon ng maraming kaibigan at nagaral ng Kinder.Sa aking pagtatapos ay nagkamit ako ng dalawang medalya dahil sa pangu2na ko sa klase.
          Nag aral ako ng elementarya sa San Pablo Central School.Noong ako ay nasa ika unang baitang ay mayroon akong karanasan na hinding hindi makakalimutan ay ang pagpalo sa akin ng aking guro sa kadahilanang hindi ako nakapaggawa ng takdang aralin,dahil sa nangyari nagaral na ako ng mabuti at hindi ko na nakakalimutang gumawa ng aking takdang aralin.Lumipas ang dalawang taon nasa ikatlong baitang na ako,akala ko noon hindi na ako makakapasok dahil naiwala ng aking ina ang talaan ng aking grado,mabuti na lang mabait ang naging tagapayo ko ,tinanggap niya ako kahit na nawala ang aking card.Lumipas na ang mga taon nasa ika anim na baitang na ako.Naging taga-ingat yaman ako sa aming klase.Sa edad na labindalawa ko naramdaman ang humanga sa isang lalake.Sa twing nakikita ko siya buo na lagi ang araw ko,kahit pa araw-araw ko siyang tinitingnan,ewan ko ba kung bakit ganon ang nararamdaman ko para sa kanya.Hanggang sa dumating ang araw ng aming pagtatapos sa elementarya.Lahat siyempre masaya,lalo na ang mga magulang namin.Nang inawit na namin ang FAREWELL SONG namin ,hindi na namin napigilan ang aming mga damdamin lahat kami ay nagiyakan at nagyakapan,at sinabi sa aming mga sarili na hindi pa iyon ang huli naming pagkikita.Pagkatapos ay umuwi na kami ng masaya,puno ng pagasa at baon ang aming mga pangarap.
         Maraming nagsasabi na masaya daw ang highschool,kasi dito mo daw mararanasan ang pagdadalaga o ang pagbibinata.Sa time ding ito magagawa mo na ang hindi mo nagagawa noong ikaw ay bata pa,marami ng mababago sa pisikal mong pangangatawan.Magiging maayos ka na sa iyong sarili hind katulad nung ikay bata pa.
ITO ANG PAARALANG
COL.LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
     
        Nag aral ako ng Sekondaryasa pampublikong paaralan ng COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGHSCHOOL.Dahil nga sa ito ay pampublikong paaralan buas ito sa lahat ng estudyanteng gustong pumasok dito.Sa pagpasok ko ng unang taon sa paaralang itoay marami akong nakilala at nakahalubilo ,meron pang mahiyain sa una pero pagnakilala mo na at nakasamadoon na lumalabas ang kani-kanilang mga ugali.Nagkaroon ng patimpalak sa BUWAN NG NUTRISYON,magkakatunggali ang bawat pangkat mula pangkat Science hanggang pangkat L.Natapos na ang programa inanunsyo na ng tagapagsalita ang mga nagwagi,nalungkot ang aming pangkat sa kadahilanang hindi man lang napasama ang aming pangkat sa mag kampyonato,nagkamit lamang kami ng ikalimang pwesto.Kahit na ganoon ang kinalabasan ng ay tinanggap naman naminng hindi mabigat sa aming kalooban.ginawa naman namin lahat ng aming makakaya,hindi lang siguro talaga nakatadhana sa amin amng pagkapanalo.
         Lumipas ang mga araw at mga buwan nasa ikalawang taon na ako ng pagaaral sa sekondarya,maraming nangyaring hindi inaasahan sa taong ito kagaya na lang kaming labintatlong magaaral ng pangkat C ay napabilang sa pangkat ng B.Noong una ang akala ko sa pangkat na ito ay mga walang pakialam at mga walang pakisama,dun pala ako nagkakamali hindi pala sila mahirap pakisamahan,dahil doon madali kaming nakapagadjust.Nagkaroon noon ng aktibidad  sa Filipino,ito ay ang pagsasadula ng mga pangyayari sa aklat na FLORANTE AT LAURA.Napabilang ako sa pangkat ng MAMBIBIGKAS.Nagkaisa kAmi upang mapaganda ang aming presentasyon at nagbunga naman ito nagkamit ang aming FLORANTE,LAURA,LEON,at ADOLFO ng ika unang pwesto.Si ALADDIN naman at mga MANGAAWIT ay nagkamit ng ikalawang pwesto.Nalungkot kaming mga mambibigkas,dahil wala man lang kaming nakuhang pwesto.Kahit na ganon ang nangyari sa huli naging masaya parin kami kasi halos lahat sa amin ay ngkamit ng ikaunang pwesto.
MGA BHEZTFRIEND QOH
G-GURLZ
                     
                                         
            Yan third year na ako,dito ko na nabuo ang pagsasamahan namin nina INAH,MARY,REAN,SHEPAY, at AKO,tinawag namin ang aming grupo na G-gurlz na ang ibig sabihin ng G ay GIG dahil ng mga time na iyonmahilig kaming maggala o maghanap ng mga pwedeng puntahan.Napakasaya ko dahil sila ang naging mga kaibigan ko,kasi parang magkakapatid narin ang turingan namin sa isat isa.Naaalala ko noon kapag nag desisyon smin ang isa ay desisyon na ng lahat.Cooking contest nuon sa T.L.E. subject namin ginanap ito ng umaga, siyempre napagod kami sa pagluluto kaya napag kasunduan ng buong klase na huwag ng pumasok ng hapon.Kinabukasan ay pinagalitan at pinagsabihan kami ng aming tagapayona si Binibining LEE, dahil kami lang daw na pangkat B ang bukod tanging lumiban sa klase.Pagkatapos ng pangyayaring iyon humingi kami ng tawad at nangakong hinding hindi na uulitin iyon.
       Lumipas ang mga araw at mga buwan , dumating ang buwan ng DISYEMBRE nag karoon ng AMATURE CONTEST sa aming paaralan na pinamagatang SHINDIG sa ikalabimpitong araw ng buwan na ito.Napagkasunduan ng aming grupong G-GURLZ na sumali sa patimpalak na ito.Binubuo amng aming grupo sa siyam na magaaral ,kasama na kami dun.Naging maganda naman ang aming pagsasamahan dahil naging daan ang pagsasayaw upang lalo pang tumatag ang aming pagkakaibigan.
       Sa araw ng patimpalak ito ay sinimulan ng pagdarasal ,pagkatapos ay kasunod na ang paligsahan sa pag-awit, at pagsayaw.NAtapos na ang paimpalak inanunsyo na ang mga nagwagi, kinakabahan na kami hanggang sa tinawag na ang aming grupo na MODERN COLOURS , napakasaya namin kahit na pang third place lang kami, kasi first time naming sumali sa ganoong paligsahan tapos nagkamit pa kami ng premyo.Pagkatapos ay umuwi na kami ng masaya at may mga pera.
4-BLAZERS
MGA MABABAIT KONG CLASSMATES
LOVE KO ANG MGA YAN
                            
        YES! sa wakas forthyear na ako malapit na akong makapagtapos nang pagaaral.May nangyaring hindi inaasahan napababa ng seksyon sina INAH,REAN, AT SHEPAY ,nalungkot kaming magbabarkada dahil sa nangyari.Marami akong hindi makakalimutang karanasan sa taong ito .Katulad na lang ng pagiging  TOP 4 ko sa klase sa unang markahan.Nagkaroon ng CHEERDANCE COMPETITION ang lahat ng forthyear student,lahat ng seksyon pinaghandaan ito , ginawa ang lahat ng aming makakaya.Kabado na kami ng magsimula na ang paligsahan,nakita namin ang presentasyon ng bawat seksyon mahuhusay at maganda,dahil doon na challenge kami, ibinigay namin lahat ng aming makakaya ng tawagin na ang aming pankat upang magpresent.Akala namin walang ibubuga ang aming presentasyon ngunit ng tawagin ang aming pangkat bilang kampyonato walang pagsidlan ng aming kaligayahan.Hindi namin akalain na kami ang magwawagi.Tuwang-tuwa at proud na proud ang aming tagapayo na si MR.MARCIAL VILLANUEVA sa aming pagiging  KAMPYONATO.
        Lilipas na naman ang mga araw magkakaroon na naman ng konsiyerto sa aming paaralan ito ay gaganapin sa dalawamputlima ng pebrero.Siyempre hindi kami nagpahuli sasali ulit kami ,natanggap naman kami sa audition.GUDLAK NA LANG SA AMIN at sa lahat ng kasali sa konsiyerto . Sana maidaos namin ito ng masaya at walang nangyayaring gulo.Ang pinahihintay ko na lang na araw ay ang araw na aming pagtatapos..

                     DITO NA NAGTATAPOS ANG KWENTO NG AKING BUHAY......

Kilalanin ang Buhay ko by:Mary Rose Javier

aqoh 2
Ang mga pangyayari at pagkilalasa aking buhay inyong matutunghayan lahat dito s aking sinulat.
Ako ay nagmula sa angkan nina LOTIE ALVAREZ JAVIER ang aking ina at s aking ama na siJOHN ELLIAGA JAVIER. Isinilang ako noong SETYEMBRE 23, taong 1994 sa BRGY. BAGONG POOK, SAN PABLO CITY kung saan dito kasama  namin ang Lolo at Lola ko, pati na rin ang mga Tito at mga Tita ko, ksama n ang mga pinsan ko. Dalawa kaming magkapatid, ako ang bunso at si MARK ANTHONY JAVIER ang aking kapatid n mas panganay sa akin.
aqoh at kuya qoh

Lumaki ako sa piling ng aking mga magulang na napaksisipag at napakababait. makikita nyo naman sa akin kung paano nila ako pinalaki. Minsan may katarayan akong taglay pero mabait naman ako, pero once na masaktan ang aking damdamin , luluha na lang akong bigla sa isang tabi, dahil mababaw ang aking luha at ako'y madamdamin, maunawain naman ako at napakatyaga.
Hindi kami mayaman at hindi rin naman mahirap kumbaga katamtaman lang, masaya ang pamumuhay at kontento na ako dun..

Sa aking paglaki di ako pinabayaan ng aking mga magulang.
Nag-aral ako ng kinder sa CENTRAL SCHOOL. Doon din ako nag-aral ng GRADE 1 at kalahati ng taon ng GRADE 2 kasi nagtransfer ako sa GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL, dun ko na pinagpatuloy ang pag-aaral ko ng elementarya, dahil lumipat kami ng aming tirahan sa GUADALUPE 2 SAN PABLO CITY kung saan ang school na yun ay mlapit lang sa aming bahay.
Hanggang sa nakakilala ako ng mga bagong kaibigan sina TRICIA, ILYN, REGINE, RIA, MYRA at JHOYCE sila ang lagi kong kasama ko noon, sa lahat ng kakulitan, kagaslawan at madami pang iba. Nagkakatampuhan man kami minsan naayos pa din.
GRADE 4 akoumalis si Papa patungong SAUDI, si mama ang tumayong ama't ina sa amin ni kuya noon. Malungkotr kasi namimiss ko noon si papa lgi siyang wala sa aming tabi, lalo na kung pasko di kami kumpleto kasi wala siya, close na close pa naman kmi, I LOVE YOU PAPA!!
Pero nung panahong yun masagana ang aming pamumuhay kasi buwan-buwan nagpapadala si Papa at natatandaan ko nun sa tuwing kaarawan ko hindi nawawalan ng handa. Lagi rin ako noong nakakasali sa mga activity na gianaganap sa school, nakasali din ako nun sa MARDIGRA, AMBRAY DISTRICT kami. Marami ako noong nasalihang mga QUIZ BEE, JOURNALISM, LABANAN SA BAWAT SUBJECT at iba't-iba pang activity ayon pasalamat naman ako at nakakakuha ng place minsan.
Masaya ang elementarya ko sa GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL pampubliko man at maliit na paaralan marami naman akong natutunan.
Malungkot noong grumaduate na ako noong taong 2006-2007, kasi grumaduate ako wala si Papa sa graduation ko, para sa kanya lahat ng awards ko nun, ayon at 4TH HONORABLE MENTION ako noon, malungkot din kasi magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase, pero ang mga kaibigan ko ayon  hanggang ngayon naman nagkakakita-kita pa kami kahit minsan na lang. I LOVE MY ELEMENTARY LIFE!!


HIGH SCHOOL LIFE HERE I COME!!!
nang mag-high school ako maraming pagbabago, kabado lalo na nung nag-eenrol pa lang ako, si Mama ang kasama ko nun, kasi di ko pa nga kayang mag-isa nasanay kasi ako nung elementary kasi malapit lang naman ang school ko nun 'walking distance' lang, kaya sanay akong nauwi mag-isa.

MY HIGH SCHOOL LIFE IN DIZON HIGH...
Sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL nga po pala ako pumasok ng high school. Isang pampublikong paaralan, pero aking iginagalang.
FIRST YEAR
Dito madaming pagbabago ang naganap sa akin, nung una natatakot at kinakabahan ako kasi mga bagong mukha at bagong mga teacher. 
Unang araw ng eskwela noon pagpasok ko saktong tawag sa pangalan ko, section 1-C nga pala ako. Yun ang katabi ko si NINETH ILAGAN na Ambray district din pala, siya ang una kong naging kaibigan, siya ang lagi kong kasabay kumain tuwing tanghalian, nagiging close na din ako sa mga clazmate ko sa araw-araw n nagkakasama kami. Simula noon natuto na rin akong tumayo sa sarili kong paa.Dito din ako nagsimulang magdalaga nagkaroon na ako ng menstruation, doon nagsimula na din akong mag-ayos ng aking sarili at unti-unti ko yung natutunan sa sarili ko mismo. Maraming activity ang sinalihan ng aming section ang labanan ng DUXOLOGY sa aming values, at ang di ko makakalimutan ang IBONG ADARNA, sa room lang kami nagperform nun kasi grupo lang kami. Ayon at anko ang ginawang ibong adarna , haha nakakanta ng wala sa oras DADALHIN pa naman ang kinanta ko favorite ko yun noon.
 Dito pa lang nagsisimula ang high school life ko sa DIZON HIGH.

2ND YEAR
class picture namin nung 2-b
 Ikalawang taon ko na sa Dizon High, ayun at nagiging matatag naman ako.Dito tumaas naman ang section ko naging 2-B . Bagong classmate nanaman at mga kaibigan dito naging besfren ko sina ATE PAU, INAH, CHAME, SARRAH, at CHARMAINE, ang tawag pa sa grupo namin ay ANG GANDA_06, haha talaga naman eh, makukulit pa. Mahilig kami magpicture nun.
Sa taong ito mas madami kaming activity NUTRI-JINGLE na naging 2nd place kami, sa FIELD DEMO kami din ang nanalo 1st and 2nd yera ang nanalo, at di ko makakalimutan ang aming FLORANTE AT LAURA na ako ang naging FLERIDA, whaha kinarir ko talaga ito kasi pagkakataon ko na ito eh at yun 3RD PLACE ako, ang galing nga over-all panalo kami kaso walang place ang section namin hehe sadyang ganon eh......
Madami ding problema tulad ng pagcucutting naming lahat n magkakaklase, pero nakayanan ko naman, at sa taong ito nakapiling na ulit namin si PAPA.

3RD YEAR
Matagal-tagal na din ako sa dizon mas lalo kong minamahal ang aming school.
Ikatlong taon ko na, sa taong ito madaming problema at masasaya ding pangyayari sa aking buhay. Salamat at still B pa rin ako. May nawalang mga classmate ko at madami din namang nag-stay pa dinat magkakasama pa rin kami at may konting nadagdag.
g.gurls frends qoh, brkada at mga kapatid n dn!!

Mga bagong kaibigan nanaman nabuwag kasi ang aming samahang ANG GANDA_06 eh. Nabuo naman ang G.GURLZ, nabuo ito kasi nung shindig sa school kami nina REAN , SHEPAY, SARRAH, at INAH ang magkakasamang sumayaw noong DEC.17,2009 tandang-tanda ko ang araw na yun kasi first time kong ngka-BF. Kung titingnan ako nun parang ang dami ko ng naging bf pero good girl ito ehh.. hehe!!
Pinakagusto ko nung subject T.L.E kasi usapang pagpapaganda ito ito, hehe favorite ko yung nailart, nagkulot ng buhok, at nung over-all nanag-fashion kami ako ang pinakamataas ang grade nun, anyabang eh nohh!! hehe...
Ang FIRST JS ko ansaya ko nun ang daming sumayaw sa akin. party-party pa kasama ang mga frends.
Ang di ko makakalimutan ang mga outing namin ng mga classmate ko , ligo sa ilog, kahit malayo pinupuntahan namin, ang mga foodtrip namin.
Ang saya naman lalong tumatag ang samahan naming magkakaklase. May souvineer pa nga kami ang t-shirt naming 3-BOOMBASTIC.

4TH YEAR
Exciting na taon dahil kasalukuyang graduating ako. Sana maka-graduate hehe.. Tutok muna ngayon sa pag-aaral, daming kailangang gawin graduating kasi...
Ika-apat na taon ko na sa Dizon, wlang pagbabago lagi pa ding naiinitan hehe.. Di na kami masyadong nagkakasama-sama ng G.GURLZ napahiwlay kasi si INAH, REAN at SHEPAY sa amin ni SARRAH eh, 4-C na silang tatlo, kami ni SARRAH,  4-B. Kahit minsan na lang namin silang nakakasma wala pa ring nagbabago kapag kami ay magkakasama ayun at ang kukulit pa din ang kikikay.
Bagong kaibigan ko BFF'S TOTOTOTX, sina LJ, AIRA, CLAIRE at AIRA nahilig kami sa FLIPTOP, sila ang hihilig sa kanta lalo na si CLAIRE. Masaya lagi kami kapag magkakasama gawa kasi ni LUCKY JOY (LJ) patawa lagi kaya LOVE ko yun ai...
bff's totototx bhestfrend qoh

Oo nga pala ang MINI OLYMPIC namin at CHEERDANCE, kaming 4-BLAZER lang naman ang CHAMPION pati sa BASKETBALL.
4-blazer classmate qoh ngayong 4th year, champion kami s cheerdance

Nung PALARONG PANLUNSOD hindi nyo ko makikilala kasi napakaitim ko kasi nagplayer ako ng VOLLEYBALL yun lumaban kami talo.. Kaya pati NOGNOG ang tawagan namin ng bf ko kasi patrehas kaming player ang itim namin parehas. Salamat nga pala sa palarong panlunsod n yan nakilala ko ang bf ko na mahal n mahal ko si ROMAR CORTEZ.
bf qoh c romar cortez at aqoh

Madaming teacher ang nagagalit sa amin kasi sobrang ingay namin. Sensya na sa mga teacher namin ganun lang po talaga kami PASAWAY at MADADALDAL, yaan nyo po isang buwan na lang ang pagtitiis nyo sa amin hehe..
Maraming salamat sa mga teacher namin lalo na sa ADVICER namin, maraming salamat SIR MARCIAL VILLANUEVA mahal po namin kayo!!

aqoh nsa rum nmin
Isang buwan na lang ang itatagal ko sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL hinding-hindi ko makakalimutan ang school kung saan madami akong natutunan at madaming nangyari sa aking buhay. Ang sarap talaga ng buhay high school lalo na kung sa DIZON HIGH naganap.
ganda ng school uniform nmin in dizon

Masaya at kontento na ako sa buhay ko na kasama ko ang aking buong pamilya, mga kaibigan, minamahal sa buhay at madami pa. Masaya ako na madaming nagmamahal sa akin

MARAMING SALAMAT SA LAHAT!!

Sabado, Pebrero 19, 2011


AKO
(Ang Talambuhay Ko)

by: Ma. Wendy Ivy Arguelles Calabon
Ako:)
   

  Madami ang hindi nakakakilala sa akin at madami ang hindi nakakaalam ng aking pinanggalinag, kaya ngayon ilalahad ko sa inyo ang aking kwento. Kwento kung saan makikilala ninyo ako at ang aking buong pagkatao.

     Ako ay mula sa simpleng pamilya na nakatira sa Villa Antonio Ph.II San Pablo City. Ipananganak noong ika-19 ng Abril taong 1995 sa City Hospital ng San Pablo. Ang mga mapagmahal kong mga magulang at ang mga taong pinagkakautangan ko ng aking buhay ay sina Wilson C. Calabon at Ma. Linda A. Calabon. Sila ang nagpalaki sa akin at  sila din ang naghubog ng aking pagkatao kaya ako ngayon ay isang responsable at mabuting anak sa kanila. Ako ay may kapatid, siya ay si Eugene Willy A. Calabon, labing-tatlong taong gulang at ngayon ay nag-aaral sa paaralang aking pinapasukan bilang isang freshmen section E.
Ako at ang kapatid ko.
 Nakagisnan namin ang pamilyang masaya at magkakasama. Noong ako ay apat na taong gulang pa lamang ang aking lolo ay namatay dahil sa liver cancer at kasabay ng kanyang pagkamatay, ako naman ay nagkasakit sa baga na tinatawag na Primary Complex. Takot na takot ako noon at sinisisi ko ang sarili ko na dahilan kung bakit hindi nakasama ang mommy ko sa libing ng kanyang pinakamamahal na ama. Halos isang buwan akong nasa ospital. Doon gabi-gabi nila akong nilalagyan ng oxygen at madami din ang mga gamot na pinapainom sa akin. Nang makalabas na ako ng ospital akala ko ay hindi na ako tatanggapin sa paaralang aking pinapasukan, pero maswerte ako at tinanggap parin nila ako kahit sobrang tagal ko nang hindi pumapasok. Kahit nakalabas na ako sa ospital ay patuloy parin ako sa pag-inom ng mga gamot ko. Hindi pa ako ganung kagaling ay may nangyari na naman sa akin. Nagka-allergy ako sa gabok at laging dumudugo ang aking ilong. Sabi ng doktor dahil daw yun sa sobrang init ng panahon kaya madalas nasa loob lang ako ng aming bahay. Hindi ako gaya ng ibang kabataan na pwedeng maglaro gaya ng habulan dahil hindi ako pwedeng mapagod. Lahat ng gusto ko ay binibigay sa akin pero pag alam ko na hindi nila ako kayang bilhan ng mga bagay na mamahalin  hindi ko nalang sinasabi sa kanila dahil ayoko din namang makita sila na nahihirapan ng dahil sa akin. Ang lahat ng gusto ko at mga bagay na makapagpapasaya sa akin ay binibigay nila. Mahal na mhal ko sila dahil sila ang mga taong alam kong tunay na nagmamahal sa akin.


bakasyon sa Nueva Ecija

     Sa aking elementaryapinag-aral nila ako sa isang pribadong paaralan, sa San Pablo Colleges. Dito nagkaroon ako ng mga kaibigan. Dito ko din nalaman na may talento din pala akong pwede kong ipagmalaki. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang sa aking pinamalas na sipag at tiyaga sa pag-aaral. Masaya ako kapag kasama ko ang nga kaibigan ko. Si Michelle, siya ang pinaka matalik kong kaibigan. Siya ay kamagaral ko simula sa unang baytang hanggang sa ika-anim na baytang ng elementarya. Naging bahagi kami ng dance club at nag-aral din kmi ng ballet noong nasa ika-dalawang baytang pa lamang kami. Grade 3 nang kami ay mag first communion. Noong ako ay nasa ika-limang baytang na ng elementarya, ako ay napalipat ng section. Kahit ganon ang nangyari napabilang parin ako sa choir ng aming paaralan. Madami akong naging bagong kaibigan doon. Dito may nakilala akong isang lalaki na hinangaan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari pero pati siya nagsabi din ng nararamdaman niya sa akin. Hindi ko ito siniryoso dahil alam ko bata pa ako. Nang maging grade 6 ako bumalik ako sa section ko dati. Nawala na ung lalaking iyon at nagpunta na siya sa ibang bansa. Namatay ang kaisa-isa kong pinsang kuya sa side ng mommy ko. Gusto ko sanang isipin na sana panaginip nalang lahat na ito, pero hindi, ito ang totoo at talagang hindi maiiwasang mangyari at lahat tayo ay dadating sa ganung sitwasyon. May isa pang pangyayari ang naganap bago ako grumaduate. Ito ay ang paghihiwalay ng aking mga magulang. Malungkot man isipin pero kailangan tanggapin dahil ako mismo mas gusto ko na magkahiwalay na sila dahil ayokong makita na nagkakasakitan ang dalawang taong mahalaga sa akin.
1st yr. ako sa S.P.C

     Nang ako ay maging highschool na, sa S.P.C. parin ako nag-aral. Dahil sa paghihiwalay ng mga magulang ko, umalis si mommy at nagtrabaho siya sa Manila para maitaguyod kaming dalawa ng kapatid ko. Kahit may suporta galing sa daddy ko, hindi parin yon sapat para mapagpatuloy ko pag-aaral ko ng second year sa S.P.C. kaya napagdisisyonan ng mommy na pag-aralin ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.
2nd yr ako s CLDDMNHS
 Dito ako nagsimila muli. Sa simula takot na takot ako pumasok dito dahil wala akong kakilala doon. Pagpasok ko agad ng room kabado na agad ako. Nanibago ako dahil sa pasilidad ng paaralang ito. Bukod pa dito wala din ditong security. Pinagkakasya din ang anim napung estudyante sa isang maliit na silid aralan. Pero kahit ganon ayus lang. Dahil transfer lang ako may nagalit agad sakin dahil akala nila maarte ako, syempre nga naman hindi pa nila ako kilala kaya hindi ko sila masisisi na ganon ang maging tingin nila sa akin. May naging kaibigan din naman agad ako, si Anabel, transfer lang din siya tulad ko. Siya ang lagi kong kasama. Ang intensyon ko lang naman talaga ay mag-aral kaya ako pumasok dito pero hindi ko alam kung bakit pero may nakilala akong isang lalaki. Naging kami ng isang taon at sampung buwan. Simula second year hanggang third year mgkaklase kami. Napalipat ako ng section nang kami ay maging forth year. Sa 4B o mas kilala sa tawag na 4Blazers ako napalipat.
ako at mga 4-blazers:)
cheer dance competition
CHAMPION!!!
 Dahil dito lalo siyang naging mahigpit at dahil sa kahigpitang iyon nagkahiwalay kami. May kaklase ako na naging ka close ko, si XYREX AMORIN PADERES, akala ko nung una siya ay ka sis namin at dahil sa akala kong iyon hindi ko namalayan na nahuhulog na pla siya sa akin. Siya ang unang nakaintindi ng dahilan ng hiwalayan namin pero dahil sa pagiging close namin  siya din ang sinisisi nilang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Madaming masasakit sa salita ang binato sa akin pero nandiyan parin sya inaalalayan ako. Minsan naisip ko, ano d mali kong ginawa, ang gusto ko lng naman ay maging malaya. Dahil sa pinakita niyang kabaitan at maunawain nahulog ang loob ko sa kanya. Sa section na ito din ako nagkaroon ng mga magagandang alaala. Lahat naman sila ay aking naging kaibigan pero ang pinaka naka close ko ay sina Ann Tricia Sumague, Charmaine Genil, Katrina Briones at Kimberly Ramos. Ngayon lalo kong pinagbubutihan ang aking pag-aaral para matulungan ang aking mommy. Ayokong madisappoint siya sa akin, gusto kong maging proud siya na ako ang naging anak niya.

tricia,chame.kat.tita shy at ako
tropa:)
representative ni kim c tita shy:)

:)
ako @ si xy
<3
    Ako si Ma. Wendy Ivy Arguelles Calabon at ito ang aking talambuhay.
3p lng :p

MA. WENDY IVY ARGUELLES CALABON:)

Biyernes, Pebrero 18, 2011

        Ang Aking Talambuhay 
                                                       by : Aira A. Polinag

          Sa buhay ng tao , maraming mga taong makakasalamuha na kaylangang pakisamahan , pagsubok na kaylangang lagpasan ng may ngiti sa labi at patuloy na pananalig sa Diyos upang patuloy ka niyang gabayan.
          Sa simula ng aking buhay ay noong magmahalan ang aking inang pinakamamahal na si Vivian Acala Polinag at ang aking ama na si Ramon Ereno Pulinag. Ang pagmamahalang iyon ang naging bunga upang ako at ang aking kapatid ay maipanganak. Ang aking kapatid ay nagngangalang Maileen Acala Pulinag. Makulit , iresponsable , madaldal , kaya madalas di ko kasundo pero mahal na mahal ko .
Ako at ang kapatid kong si Maileen

          Agosto 20, 1995. Linggo. Mula sa pagle-labor ng 12:00-2:00 ng hapon. Sa bahay namin sa Dulong Bayan San Pablo City. Bandang alas-3:00 ng hapon , ipinanganak ako at pinangalanang Aira Acala Polinag. Laking tuwa ng aking mga magulang ng ako ay ipanganak. Na mas lalong sumaya ng ako ay maging isang ganap na Kristiyano at mag-isang taong gulang. Isang simpleng handaan na may ninong at ninang na mga kabarkada ng mama at papa ko.
          Lumipas ang mga taon hanggang sa ako'y mag-limang taong gulang at napagpasyahan ng aking mga magulang na ako ay ipasok sa Day Care Center bilang "saling-pusa". Ngunit laking bigla ng aking mga magulang ng ako ay tumanggap ng mataas na parangal bilang First Honorable Mention. Kung kaya't sa aking edad na anim ay nakapasok ako sa Unang Baitang sa paaralan ng Fule Almeda Elementary School. Kahit di nakaririwasa sa buhay dahil sa pabrika lamang nagta-trabaho ang mama ko at papa ko ay nabigyan pa rin ako ng selebrasyon sa pagdating ng aking ika-pitong kaarawan. Pagdating ng Ikatlong Baitang , ako ay lumipat sa paaralang iyon ay di sinasadyang ako ay maligaw , mabuti na lamang at may isang Clarisse na tumulong sa akin. Siya ang naging bestfriend ko nung ako'y elementarya , hanggang sa makapag-tapos kami.
           Sa pagpasok ko ng hayskul , hindi naging madali para sa akin ang lahat. Simula na sa pag-gising ko ng maaga at sa pag-uwi ng halos hapon na. Bago lahat , sa mga gamit sa eskwelahan , uniporme pati na rin ang mga guro , kaklase at mga kaibigan. Inaasahan ko na rin  na kaylangang mag-seryoso dahil lubhang mas mahirap ang asignatura sa hayskul kumpara sa elementarya.
Kuha noong ako ay magtapos ng kindergarten
           Mas pinili ng mga magulang ko na pag-aralin ako sa CLDDMNHS , dahil na rin sa murang bayarin sa paaralang ito. Agad akong natanggap at napunta sa seksyong B noong First Year , masaya dahil bago ang mga kaklase at may mga aktibidades na labanan ng buong seksyon.
          Sa pagdating ng Second Year , sa seksyong B pa rin. May masaya pa rin dahil makakasama nila ang mga kaibigan ngunit marami ring nalungkot dahil may ilang mapapahiwalay. Sa pagdating ng mga bagong kamag-aral mula sa iba't-ibang seksyon at eskwelahan , hindi pa rin iyon naging hadlang upang maging magkaibigan kami. Na mas lalong tumatag ng kami ay lumaban ng Florante at Laura - na likha ni Francisco Baltazar. Dito nasukat ang aming mga talento hindi lamang sa pagbigkas at pagkanta kundi pati na rin sa pag-arte.
          Masaya na sana ang lahat ng may napakalaking problema ang dumating sa aking pamilya. Marso 2009 , napansin ko na hindi niya pinapansin ang papa ko. Bibihira na rin siyang lumabas ng bahay at kung di pa pipilitin ay hindi siya kakain. Laging mainit ang ulo at lagi kaming binubulayawang mag-kapatid. Ngunit dahil minsan ay di ko pa nakitang mag-away ang aking mga magulang , hindi ko ito masyadong inisip dahil baka nagkaka-tampuhan lamang silang dalawa. Ngunit mali pala ako. Sa di sinasadyang pagkakataon , napadaan ako sa kwarto ng  biglang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
          Ang papa ko , may ibang kinakasama , dahil mas malapit ako sa papa ko , para sa akin ay di ko matanggap , sobrang sakit ng ginawa niya. Dinagdagan niya pa ang sakit nang oras na pinapili na siya ng mama ko between samin at dun sa babae niya , mas pinili pa niya ang babae niya.
          June 2009 , lumipat kami ng tirahan at pinilit mamuhay nang wala ang haligi ng aming tahanan. Ngunit dahil mahirap para sa isang ina na itaguyod ang mga anak na nag-iisa at pawang mga nag-aaral pa. Kaya kahit mahirap at masakit ang kalooban ng mama ko ay minabuti niyang pumunta sa ibang bansa at doon nakipagsapalaran.
         Salamat sa mga kaibigan ko na siyang nagpapasaya sakin araw-araw. Sina Lucky , Angge , Claire na siyang mga naging kaibigan ko nung ako ay 3rd Year. Lagi ko na ring nasa isip na malapit na akong magtapos ng pag-aaral.
Claire , ako , Angge at Lucky
Si Sarrah , Claire , Lucky , ako at Mhary ..
         Matapos ang lahat ng ito , 4th year na ako. Isang taon na lang at makakapag-tapos na ako. May mga naging bago akong kabarkada , sina Mhary , Sarrah at Bernardo ngunit nakahiwalay naman si Angge. Ayos lang naman dahil masaya pa rin ako. Andyan dina ng paborito kong tiyuhin na si Tito Agiw na kenkoy sa bahay. at ang paborito kong pinsan na si Ivan na siyang pag-uwi ko sa bahay ay magbibihis lang ako at diretso na sa tabi niya upang maglaro sa computer. Sya din ang gumawa sakin ng account ko sa iDATE - ang pinagkaka-abalahan ko sa ngayon. Dito sa larong ito ko lang nakaka-sundo ang aking kapatid.
Character ko tsaka ng kapatid ko ..

Si Ivan at ako ..
Tito Agiw , ako at si Dave
        Ngayong hayskul naransan ko ang fieldtrip na di ko maransan noong ako ay elementarya. Marami akong napuntahang lugar. Narito ang ilang lugar na napuntahan ko: sa GSIS , kung san makikita ang mga obra maestra ng ating pinagmamalaking pintor. Sa Ocean Park , dito makikita ang iba't-ibang uri ng mga hayop na naninirahan sa dagat. Simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Sa Star City , naroon ang iba't-ibang uri ng sasakyan na ginawa upang magpasaya ng mga tao lalo na sa mga bata. Sa Lights and Sounds Museum , dito pinapakita ang kasaysayan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na pawang mga patungkol sa mga katiwaliang ginagawa ng mga Kastila. Sa Port Santiago , kung san pinapa-alala ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa Mall of Asia , ang pinakamalaking mall sa Pilipinas na madalas pasyalan ng mga tao.
Fieldtrip sa Port Santiago ..
        Dito ko rin natanto ang mga di ko akalaing kaya kong gawin. Nung kami ay naglalabanan ng pagsulat ng tula. Ako ay pangatlo sa nagtamo ng parangal at nung sa cosmetics , nagpasiklaban ng galing sa pag-iisip kung anong dekorasyon ang maganda at patok na mailalagay sa kuko ng iyong kapareha. Pang-lima ako sa mga nanalo.
         Isa pa ay ang Mini Olympics kung san mga 4th year lang ang mga kalahok. Lahat ng seksyon ay kaylangang maghanda sa pagsayaw ng cheerdance. Nanaig sa aming seksyon ang kagustuhang manalo kng kaya't tulong-tulong kaming lahat na nagbuo ng sayaw at masayang nag-ensayo. At sa wakas , dumating na ang araw g labanan na dahil maraming mga kalaban na mas magaling samin , di namin akalaing kami ang magka-kampyon. Nagtagisan din ang lahat sa sports sa larangan ng volleyball , basketball , football , swimming at modified basketball.
4-Blazers ~!
         Sa aking talambuhay , nakikita kong masaya at malungkot na nangyari sa akin. Babaunin ko ang mga masasayang ala-ala at gagawin kong inspirasyon sa pang-araw-araw kong buhay. At gagamitin ko namang halimbawa ang mga malulungkot na ala-ala upang patuloy na maging matatag at patuloy na makipagsapalaran upang mapag-tagumpayan ko ang aking mga pangarap sa buhay.




       Salamat sa 4-B .. ^^