Bawat isa sa atin ay may kanya- kwento o istorya ng buhay kung saan tayong lahat ay may pagkakaiba. May mahirap,mayaman o kaya tama lang sa kanilang buhay. Hindi sa lahat ng oras ay nasa magandang katayuan ka, meron dyang ibang mahihirap na nagsusumikap sa kanilang buhay para lang makaahon sa buhay. Mayroon din na pinagpala ng diyos na nasa mabuti at maayos na kalagayan. Lahat ng tao ay inaasam asam ito para makamit ang kani-kanilang pangarap.
![]() |
Picture namin ng family ko sa lucban,quezon |
Ang tatay ko ay sobrang masipag at matiyaga para sa aming pamilya. Siya ang naghahanapbuhay para lang may makain sa pang araw-araw at mapag-aral kaming mga magkakapatid. Hangang hanga ako sa katatagang ipinapakita niya para sa amin kahit na iba ang pinapakitang ugali naming magkakapatid. Pero sa ugali kong pasaway ay pinahahalagahan ko naman ang mga binibigay at sinasabi niya sa akin. Pinapangaralan niya din kami upang kami ay matuto at hindi para lalo lang mapahamak. Nadarama ko ang bawat paghihirap niya para lang mabigay at matustusan ang mga pangangailangan namin. Kung kaya siya ang amang di mapapantayan ng iba sa pagprotekta sa aming pamilya. Ang nanay ko naman ay maalagain,mabait,maalalahanin at kahit na napakataray sa amin ay naiintindihan ko kung bakit siya ganun sa amin. Dahil na rin sa kakulitan naming magkakapatid bakit ganun siya kataray at kahigpit sa amin.Noong maliliit pa lamang kami ay siya na ang nag-aalaga sa aming magkakapatid. Kung kaya ni minsan di napalayo ang loob namin aming mahal na nanay. Siya ang pinagmamalaki kong ina dahil sa kabutihan at pagmamahal sa pamilyang mayroon kami ngayon. Siya ang uliran at mapag-arugang ina na mayroon ang aming pamilya na aming pinapahalagahan ng lahat. Hindi ko pinagsisihan na naging ama at ina ko ang gaya nila. Sila ang dahilan kung bakit ako nabuhay at nabubuhay pa din hanggang sa ngayon. Nagpapasalamat ako ng marami sa kanila sa pag-aalaga,pag-iintindi at patuloy na pagsuporta sa aming lahat. Alam ko sa sarili ko na naging pabigat ako sa kanila pero sa kabila non ay babawi ako sa mga kasalanan at sakit ng ulo na nabibigay ko sa kanila sa pang araw-araw na ginagawa ng diyos. Kailangang gantihan ko naman sila ng tama at kabutihan para sa mga sakripisyo nila sa amin para lang mapakain at mapag-aral nila kami. Marahil madaming nakaka impluwensiya sa akin na gumawa ako ng mali o ng kasamaan dahil sa ibang nakapaligid sa akin. Pero ito ay iniiwasan ko nadahil sa mga payo,pangaral nila sa akin at higit sa lahat para na din sa ikabubuti ko.
Ang bunso kong kapatid na mas kasundo ko na ngayon ay nasa Third year high School sa labing apat na taong gulang. Parehas kami ng school na pinag-aaralan sa ngayon at dun din nakapag tapos si kuya.Siya ang nakakampihan ko sa lahat ng bagay pati na rin sa mga kalokohan. Si kuya naman ay nasa college na ngayon sa school ng DLSP sa kursong information Technology. Two years lang ang kukunin niya sa ngayon sa madaming kadahilanan. Kung kaya parehas kaming magtatapos sa pag-aaral ngayong taon na ito.kinailangan na niyang makatapos at makahanap na ng trabaho sa ngayon dahil siya ay nagkaanak na ng lalaki sa taong labing pito gulang pa lamang.Hindi pa sila kinakasal ng kanyang girlfriend sa ngayon dahil wala pa silang naiipon. Kailangan muna nilang paglaan ng gastusin ang kanilang anak.Kung kaya mas higit lalong kailangan niyang makahanap o makakuha na ng maganda at maayos na trabao para sa kinabukasan ng pamilya sa ngayon. Mahalaga para sa akin ang mga kapatid ko at mahal ko sila kahit ano pa man ang mga pinag-aawayan naming kung minsan dahil bahagi sila ng buhay ko.
Ako? Yung taong Mabait,magalang,mapagkumbaba,mapagmahal, pasaway,maarte,makulit,puro kalokohan. Sa aking kabataan, ginabayan na ko nila nanay at tatay hanggang sa aking paglaki. At ito ay dahilan na napalaki ako ng mga magulang ko sa tamang pamamaraan at hindi sa kasamaan.noong elementary pa lang ako ay napaka sipag ko sa pag-aaral. Wala akong inaatupag kundi ang aking pag-aaral.May mga kaibigan akong tumutulong o dumadamay kapag ako ay may problema.
![]() |
Mga Real Friends ko!! |
![]() |
Kasama ko ang Bestfriend ko, si Loren Gilua |
Marami pang magdadaan sa buhay natin at sa akin. Kung kaya dapat lahat tayo ay handa sa mga ito.Marami mang mawawala sa aking buhay ngunit gindi ito dahilan para sumuko. Ito’y para lumaban sa buhay para sa maga darati pang mahalagang bagay at tao sa mundo natin.